Malugod naming ipinapaalala sa lahat na magsisimula na ang Taong Panuruan 2026–2027. Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon sa pagsunod sa itinakdang iskedyul at mga alituntunin ng paaralan upang maging maayos, ligtas, at mas produktibo ang pagpasok ng ating mga mag-aaral.
Sundin ang itinakdang oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga bata.
Ihatid at sunduin ang mga mag-aaral sa tamang lugar na itinakda ng paaralan.
Siguraduhing kumpleto ang mga gamit na kailangan sa klase.
Basahin at sundin ang mga paalala na ipapadala ng mga guro at paaralan.
Turuan ang mga bata ng disiplina, paggalang, at pagiging responsable sa loob at labas ng paaralan.
Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalaga upang masiguro ang maayos na pagsisimula at pagpapatuloy ng ating klase sa buong taon.
Sama-sama nating gabayan ang ating mga mag-aaral tungo sa matagumpay na pagkatuto!
ADDRESS
#8 Tandang Sora Ave, Quezon City, 1107 Metro Manila, Pilipinas
STAY CONNECTED
DEPED CONNECT
Department of Education
Learner Information System
Basic Education Information System
Learning Resource Management and Development System